Saturday, January 19, 2008

ANAK MARALITA, TULA NG PUYAT

Akoy nakatira sa dampang bungalow
Hamak na Marlboro po lamang ang aking sigarilyo
Nagdidildil na lang sa hamon at adobo
Pobreng Senadores ang kasa kasama ko

Pagbaba ko ng bahay sapatos koy adidas
Sa Hotel Intercon ako pumaparoon
Nagtitiis na lang sa kamiseta kong Arrow
At sa aking Levis na pantalon

Mga pandak kong bodygurads pawang mga 6 footer
Mabababa ang suweldo, bente mil lamang
Silay mga lumpo't karatista't blackbelter
Asintado pa kung silay mamaril

O kay hirap naman ng maging mahirap
Limampu ang kotse, limampu rin ang trak
Hindi pa kasama ang karag karag
Service ng alila ko'y pati gulong kumikintab

Minsan isang araw ako'y nawalan ng gana sa pagkain
Sapagkat ako'y sawang sawa na sa mga ulam namin
Kaya't ang ginawa ko sumaglit muna sa Spain
Laking malas naman ang ulam doon puro fried chicken

Akoy may kotseng pinangalanan kong Mustang
Na kung naputikanna'y akin nang iniiwan
Hanggang dito na lang ang aking nakayanan
Sapagkat kumakalam na ang aking butihing tiyan

2 comments:

Anonymous said...

pede bang magpaampon?

Anonymous said...

wow tangina ikaw ba nag compose nito Juan napaka talented mo talaga walanghiya ka................hindi ko alam may hidden talent ka pala wahahahaha