"Gabi na naman...kailangan na namang gumising, maghapunan, maligo...pagod na ang araw para sa kanyang maghapon titig sa buong kalupaan.....
Nagkalat na sasakyang jeep paglabas ng bahay and syempre bili muna ng isang paketeng Marlboro bago sumakay sa napiling sasakyan...ma bayad ko po..aba unang expense P7.50, ala kang lusot sa patuloy na pagtaas ng minimum fare para sa pampublikong sasakyan..ika nga PUV....
Sa loob ng jeep, naging libangan ko ang magbilang ng pasahero..on a daily basis maximum of 20 hanggang opis....sa loob din ng sasakyan marami kang puwedeng magawa..kagaya ng tumingin sa reaksyon ng mga walang patid na nagtetext, tumatawag kasi nga nakaunlimited....naghihikab sanhi ng maghapong trabaho....minsan pati amoy ng mga kapwa ko pasahero pinagkakaabalahan ko na rin....
Eto na, pagdating sa opis syempre kailangan mong ipabasa ang isa sa yung daliri para sa timekeeping..aba masyadong hi-tech...pano kung di mabasa ang mga daliri mo...isa yan sa mga bugs sa ganyang sistema...BIOMETRIC ISSUE.....pero laking tulong din kasi organize ang logs and data na nalalagay sa database....madaling magcompute ng sasahurin mo.....
Pagdating sa loob ng opis, syempre unang aatupagin ay ang pagbukas ng computer para magcheck ng email...may nagalit ba o may pumuri sa akin....after all email read...syempre bukas IE, check your friendster account...aba daming updates, testi, uploaded pictures, comments, newly added friends...etc....
Ano ba yan, alang nagcomment, alang testi pero may nagview....hehehehe...consolation prize ika nga....after checking all of the internet stuff...umpisa na ng pagkakalat ng ingay sa production floor...ihanda na ang listahan ng mga tatawagan at iistorbohin sa kabilang lupain....OOOPS...tawag ako ng Ops Manager...meeting daw...sige na nga bawas oras din yun...syempre pa kameeting mga client sa US...aba matinding inglesan to...pero kaya pa naman....Haay sa wakas natapos din...
Balik na lang ako sa station ko para bantayan ang mga makinang nagpapakalat ng kaistorbohan sa tate, syempre mayamaya na tahimik na kasi lahat ng agent nakaupo na, pinupokpok ang kausap sa produktong binebenta...aba antitindi talaga ng pinoy...abay sa telepono akala mo isang kano/kana ang kausap ng mga kano....may nagboboses babae, may mukhang lalake, may mukhang ewan ko magulo....mahirap ifigure out kung saan sya sa gender sa mundo...pero lahat naman pawang masisipag at matatalino....proud to be pinoy!
Kung ok na lahat, balik sa upuan para sa ibang gawaing nakakabawas sa linaw ng mata....oops trabaho muna ako...
ITUTULOY.......................



2 comments:
parang me kulang...
wow. you're good in tagalog. i was like "what the fuck!" i dont even comprehend some or should i say most of the words u used.. keep it up.. is that your new diversion? not bad. kisses
Post a Comment